Ai-Ai delas Alas at Coco Martin magsasama sa isang pelikula

Masayang ibinalita ng Kapuso actress/comedianne na si Ai-Ai delas Alas na magsasama sila ni Coco Martin sa isang pelikula.

Sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng movie press para sa promotion ng bago niyang movie na “FEELENIAL, ” sinabi niyang tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Martin at magsisimula na ang shooting sa Hulyo.

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Ai Ai tungkol sa pelikula na unang pagkakataon na pagsasama ng dalawa.

Posible din na isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang nasabing pelikula.

Nagbiro pa ang komedyante na pangarap din niya na magkaroon ng tele-serye kasama “Ang Probinsyano” star.

Read more...