Pangulong Duterte nagpahiwatig ng kahandaan na makipag-usap muli sa rebeldeng grupo

Presidential Photo
Matapos buwagin ang peace talks, nagpahiwatig muli si Pangulong Rodrigo Duterte ng kahandaan na makipag-usap sa rebeldeng grupo.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Vicente Lukban, Catbalogan, Samar, sinabi na walang problema kung kaya na ng rebeldeng grupo na makipag-usap.

Ayon sa pangulo, ibaba lamang ang armas at bumalik sa negotiating table.

Pangako ng pangulo, kaya niyang ibigay sa rebeldeng grupo ang one third ng kanilang hinihingi.

Kahit ang pera ng bayan aniya ay maari niyang hatiin ang para makatikim naman. G maayos na pamumuhay ang rebeldeng grupo.

“Kung kaya ninyo makipag-usap, wala akong problema. Just drop your weapon, stop fighting and we will talk. And I can give you right away one-third of what you are asking. One-third, one-third, one-third is one,” ayon sa pangulo.

Dagdag ng pangulo masakit sa kanya na gamitin ang pera para ipangbili ng baril at bala dahil kapwa Filipino rin ang pinapatay sa mga operasyon.

March 2019 nang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang permanent termination sa peace talks sa rebeldeng grupo.

Read more...