Libreng internet, CR at breastfeeding stations sa mga terminal ganap nang batas

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magtatakda sa mga transport terminals ang paglalagay ng libreng internet, malinis, komportable at libeng CR o Comfort Room at breastfeeding stations.

Base sa Republic Act 11311, inaatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Transportation (DOTr) at iba pang concerned agencies na tiyakin na magkakaroon ng access sa libreng internet ang mga pasahero.

Kinakailangan din na mayroong hiwalay na lugar ang mga terminal sa malinis na comfort room o palikuran at hiwalay na lugar para sa mga breasfeeding na mga ina.

Sa ilalim ng batas, pinagbabawalan ang mga operator ng mga terminal na maningil sa mga pasahero dahil sa paggamit ng CR.

Kinakailangan lamang na bumili ang mga pasahero ng mga bus ticket para makagamit sa mga sanitary facilities.

Hindi naman sakop ng bagong batas ang mga de luxe sanitary facilities.

Papatawan ang mga may-ari, operator o administor na lalabag sa batas ng P5,000 multa sa kada paglabag at P5,000 kada araw kapag naningil sa mga pasahero dahil sa paggamit sa kanilang sanitary facilities.

P5,000 sa mga may-ari, operator o administrator ng terminal kung walang breasfeeding stations.

Kinakailangan na rebyuhin ang batas makalipas ang limang taon.

Read more...