Biyahe ng isang eroplano sa India na-delay ng mahigit 2 oras dahil sa sigalot sa pagitan ng piloto at cabin crew

Naantala ng mahigit dalawang oras ang biyahe ng eroplano sa India dahil sa sigalot sa pagitan ng piloto at crew nito.

Sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ang isang piloto ng Air India at isang cabin crew member dahil sa idinulot nilang perwisyo sa mga pasahero.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nagtalo ang piloto at isang crew nang dahil sa lunch box ng piloto.

Iniutos umano ng piloto sa isang cabin crew na hugasan ang pinakainan niyang lunch box.

Pero hindi ito ginawa ng cabin crew.

Kapwa grounded ang piloto at crew dahil sa pangyayari.

Inabot kasi ng mahigit dalawang oras ang delay ng mga biyahe ng eroplano at noon ay nakasakay na ang mga pasahero muyla Bangalore patungong Kolkata.

Madalas umanong inirereklamo ng mga cabin crew sa India ang ilang piloto dahil sa pagde-demand ng espesyal na serbisyo.

Read more...