Biyahe ng MRT-3 maagang nagka-aberya

Nakaranas ng maagang aberya sa biyahe ng Metro Raul Transit line 3 (MRT-3) ngayong araw ng Huwebes, June 20.

Sa abiso ng DOTr – MRT-3, alas 6:08 ng umaga nang iulat ng kanilang control center ang problema sa riles sa intersection ng Guadalupe at Buendia station southbound.

Agad nagpadala ng track personnel sa lugar para ayusin ang problema.

Alas 6:47 ng umaga nang maresobla ang problema sa riles.

Pero nagdulot na ito ng mahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon.

Magugunitang noong Miyerkules (June 19) pinababa ang nasa 700 pasahero ng isang tren ng MRT-3 at naglakad sila sa riles dahil sa aberya.

Read more...