Yellow at red alert maghapong iiral sa Luzon Grid ngayong araw, June 20

Muling isinailalim sa yellow at red alert ang Luzon Grid dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente sa Luzon.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mayroong 11,217 megawatts na available capacity sa Luzon at aabot sa 10,995 megawatts ang peak demand.

Narito ang mga oras ng pag-iral ng yellow at red alert:

YELLOW ALERT:
9:00AM hanggang 10:00AM
11:00AM hanggang 1:00PM
4:00PM hanggang 10:00PM

RED ALERT:
10:00AM hanggang 11:00AM
1:00PM hanggang 4:00PM

May posibilidad na magkaroon ng rotational brownout sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon sa mga oras na nakataas ang red alert.

Payo ng NGCP sa publiko, magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.

Read more...