NLEX nagpaalala sa pagsisikip ng traffic dahil sa rehab project sa Bocaue River Bridge

Nagpaalala ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa gagawing rehabilitasyon ng Bocaue River Bridge.

Sa advisory ng NLEX Corporation, nagsimula ang rehabilitation project June 19 at tatagal hanggang September 7.

“Please expect traffic delays due to lane closures and counterflow that will be implemented in certain sections,” ayon sa kanilang abiso.

Magkakaroon ng “deck slab replacement” at “girder strengthening” sa nasabing tulay na gagawin sa tatlong bahagi.

Unang isasara ang 100-meters na southbound middle lanes mula sa June 19 hanggang July 12.

Read more...