Konsehal patay sa pamamaril sa Zamboanga

FB photo

Nasawi ang isang konsehal ng bayan sa Sindangan, Zamboanga del Norte makaraang pagbabarilin habang minamaneho ang kaniyang jeep, Miyerkules (June 19) ng umaga.

Ang biktima na si Cicero Gurrea ay nagmamaneho ng jeep at may sakay na mga estudyante para hatid ng libre sa paaralan sa Barangay Poblacion ng siya ay tambangan.

Bahagi ng kaniyang campaign promise bilang konsehal ng bayan ang maghatid ng libre sa mga estudyante papasok sa eskwelahan.

Ayon kay Maj. Hartzel Peter Billedo, hepe ng Sindangan Municipal Police Station, maaring inabangan ng mga salarin si Gurrea lalo at tuwing umaga ang ginagawa niyang paghahatid sa mga mag-aaral.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek sa pananambang.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...