Sa pagtaya ng NWRB, sa Biyernes (June 21) o ‘di kaya ay sa Sabado (June 22) maaring umabot na sa critical level na 160-meters ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David, mula sa kasalukuyang 140 cubic meters per second ay ibababa pa nila sa 36 cubic meters per second ang alokasyong tubig para sa Manila Water at Maynilad.
Malaki kasi ang posibilidad na maabot ng Angat dam ang 160-meters critical level kahit nagbawas mula ngayong araw (June 19) ng alokasyon ng tubig para sa domestic use at kahit makaranas pa ng mga pag-ulan sa susunod na mga araw.
Hindi rin inaalis ng NWRB ang posibilidad na muling maabot ng Angat dam ang pinakamababang antas nito sa kasaysayan na 157 meters na naitala taong 2010.
Sinabi ni Sevillo na kung hindi pa rin kasi magkakaroon ng mga pag-ulan ay patuloy pang bababa ang water level sa Angat dam.
Dahil dito, patuloy ang apela ng NWRB sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.
Sa mga lugar na nakararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ay maari aniyang sumahod ng tubig para magamit panghugas ng sasakyan, panglinis ng CR at iba pa.
Mula sa kasalukuyang 140 cubic meters per second ay ibababa pa ng NWRB sa 36 cubic meters per second ang alokasyong tubig para sa Manila Water at Maynilad.