Balasahan sa Bureau of Customs ipagpapatuloy

Tiniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mayroon pang mga Kasama ng BOC ang matatanggal at malilipat sa iba’t ibang departamento upang tuluyan ng malinis ang kanilang hanay.

Ayon kay Guerrero, una nang nasampulan ang 61 BOC personnel na kinasuhan ng administratibo dahil sa iba’t ibang paglabag, tatlong tauhan ang natanggal sa serbisyo, apat ang sinuspinde habang ay may nakabinbin pang kaso.

Paliwanag ng opisyal, walang puwang sa ahensiya ang mga kurap na opisyal dahil hangad ng BOC na magkaroon ng bagong modernization project na maisulong ang stremline sa mga proseso at operasyon upang tuluyan ng matuldukan ang kurapsyon sa BOC.

Katunayan aniya ipinatutupad na nila ang Goods Declaration Verification System, Ticketing System, National Value Verification System, Document Tracking System, Alert Order Monitoring System at Office of the Commissioner Dashboard.

Read more...