Ito ay dahil sa manipis pa rin na reserba ng kuryente sa Luzon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang pag-iral ng yellow alert ay nagsimula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng umaga, at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
Habang pitong oras ang pag-iral ng red alert mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Ang available capacity ng kuryente sa Luzon ay 10,962MW habang ang peak demand ay 11,134MW.
Iaanunsyo naman ng NGCP at Meralco ang pagpapatupad ng manual load dropping o rotational brownout habang nakataas ang red alert kung kakailanganin.
MOST READ
LATEST STORIES