Babaeng angkas ng motorsiklo nahati ang katawan sa aksidente sa Maynila

Contributed Photo
Dead on the spot ang isang babaeng angkas ng motorsiklo matapos mahati ang katawan nito nang mabangga sa kotse at isang truck sa Quezon Boulevard sa Maynila.

Nangyari ang aksidente Miyerkules (June 19) ng umaga, malapit lamang sa Recto.

Nakilala ang nasawi na Ederlyn Buclares base sa Philhealth ID na nakuha sa kaniyang bag.

Habang sugatan ang driver ng motorsiklo na si Julius Tevar at dinala sa ospital.

Tumilapon ang babae at nahati ang katawan – ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan ay pumailalim sa truck habang ang lower part ay tumilapon sa kalsada.

Pero ayon sa driver ng truck, bumangga muna sa isang kotse ang motorsiklo ng dalawa bago bumangga sa kaniyang truck.

Hawak ngayon ng mga otoridad ang driver ng truck.

Read more...