Magnitude 3.6 na lindol naitala sa Batangas

Niyanig ng 3.6 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Southwest ng bayan ng Calatagan, alas-2:29 Miyerkules ng umaga (June 19).

May lalim na 174 kilometers at tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...