16 na tonelada ng cocaine nakumpiska sa Philadelphia; isa sa pinakamalaking halaga ng drug busts sa kasaysayan ng Amerika

AP Photo
Nakumpiska ng mga otoridad sa US ang mahigit 1 bilyon dolyar na halaga ng cocaine sakay ng isang barko sa Philadelphia Port.

Maituturing itong isa sa largest drug busts sa American history ayon sa US Attorney’s Office sa Philadephia.

Sa pagtaya ay aabot sa 15,000 na kilo cocaine o 16 na toneleda ang nakumpiska sa isang malaking barko sa Packer Marine Terminal.

Dinakip na ang mga crew ng naturang barko at sasampahan ng kaso.

Noong buwan ng Marso ay may nakumpiska ring 538 na kilo ng cocaine sa Philadelphia na tinatayang nagkakahalaga ng $38 million.

Read more...