Rider at angkas nito arestado matapos mahulihan ng shabu sa Pasay City

Arestado naman ang isang rider at kaniyang angkas matapos mahulihan ng ilegal na droga sa isang checkpoint sa Pasay City.

Pinara lamang ang motorsiklo sakay ang dalawang lalaking suspek sa bahagi ng Brgy. 193, Zone 20 dahil Nakita sila ng mga otoridad na kapwa walang suot na helmet.

Pero nang busisiin ay may nakuha sa kanilang 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala na sa Pasay City police ang rider at ang kaniyang angkas at mahaharap sa karampatang kaso.

Read more...