Dating alkalde sa Cebu tinambangan habang nasa loob ng ospital

CDND File Photo
Patay makaraang tambangan habang nasa loob ng isang pribadong ospital ang isang dating alkalde ng Medellin, Cebu.

Ayon kay Police Master Sgt. Winston Esdane ng Medellin Police Station, ang biktima ay nakilalang si Ricardo Ramirez.

Si Ramirez ay dating mayor ng bayan ng Medellin.

Natagpuan si Ramirez na may mga tama ng bala ng baril sa loob ng CR ng kaniyang hospital room Miyerkules (June 19) ng madaling araw.

Pumasok umano sa ospital ang mga armadong lalaki, pinagkukuha ang cellphone at pinadapa ang mga staff, dumeretso sa kwarto ni Ramirez at saka ito pinagbabaril.

Si Ramirez ay naaresto noong July 2017 daihl sa illegal possession of firearms.

Nasa ilalim siya ng hospital arrest dahil sa pananakit ng dibdib.

Read more...