NWRB may bawas na 13% na water supply sa MWSS dahil sa pagbagsak ng tubig sa Angat Dam

Apektado ang milyong-milyong customers ng Maynilad at Manila Water sa pagbawas ng National Water Resources Board (NWRB) ng hanggang 13% na dami ng tubig na inilalaan nito sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., mula 46 cubic meters per second ay 40 cubic meters per second na lamang ang supply nila sa MWSS simula Miyerkules June 19.

Ang hakbang anya ay para ma-manage pa na ang ahensya ang delikadong supply ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng Angat Dam.

Lalong mababawasan ang alokasyon ng tubig ng NWRB sa MWSS kapag bumagsak pa ang Angat Dam sa 160-meter critical level.

Hanggang araw ng Martes ay nasa 161.78 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Dahil Angat Dam ang source ng tubig sa 96% ng Metro Manila, ang water reduction ay makakaapekto sa supply ng tubig ng Manila Water at Maynilad sa kanilang customers.

Una rito ay nanawagan na ang NWRB sa publiko na magtipid ng tubig at mag-recycle ng tubig ulan.

Read more...