7 arestado dahil sa droga sa Maynila at Quezon City

Timbog ang apat na lalaki at isang babae makaraang maaktuhang bumabatak ng shabu sa gilid ng riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Maynila.

Ayon sa Sampaloc Police, nagsasagawa lamang sila ng anti-criminality operations sa Brgy. 176 nang maaktuhan ang mga suspek sa gilid ng riles na gumagamit ng droga.

Nilapitan ang mga ito at nakuhaan ng mga sachet ng shabu.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na nasa watchlist ng pulisya ang mga suspek na karamihan ay construction worker.

Sa Quezon City, arestado naman ang isang lalaki at isang babae sa buy-bust operation sa Brgy. E. Rodriguez.

Ayon kay QCPD Station 7 Station Drug Enforcement Unit chief Pol. Capt. Ramon Acquiatan, target ng operasyon sina alyas ‘Daisy’, 39 anyos at alyas ‘Eril’ na isa umanong AWOL na sundalo.

Ang dalawa ay pawang suppliers umano ng iligal na droga sa lugar.

Positibong nabilhan ang mga suspek ng P500 halaga ng shabu at agad silang inaresto.

Nakuhaan ang dalawa ng walong sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4,000.

Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...