Ayon sa first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula March 28 hanggang 31, 2019, naitala ang bagong record low na 38 percent sa unang kwarter ng 2019.
Ang figure na nasa 9.5 milyong pamilya ay 12 points na mas mababa sa 50 percent na naitala noong December 2018 at 4 points na mas mababa sa dating record low na 42 percent noong September 2016 at March 2018.
Ayon sa SWS, ito ay dahil sa pagkaunti ng nagsabing mahihirap sila sa lahat ng rehiyon.
Sa 38 percent na self-rated poor families, 26 percent ang nagsabing sila ay “always poor” habang ang natitirang 12 percent ay nasa baba ng poverty line.
Samantala sa 62 percent na nagsabing sila ay “non-poor,” nasa record high na 15 percent ang nakawala sa kahirapan.
Lumabas din sa survey ang record low 27 percent o 6.8 milyong pamilya na nagsabing sila ay “food-poor.”
Ito ay 7 points na mababa sa dating kwarter na 34 percent at 2 points na mababa sa dating record low na 29 percent noong March 2018.
Sinabi ng mga respondents na kailangan nila ang buwanang budget na P10,000 para hindi makunsiderang mahirap.