$202M loan agreement para sa Mindanao road network nilagdaan ng PH, Japan

Department of Finance photo

Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang $202.04 milyong loan agreement para sa kontruksyon at rehabilitasyon ng mga kalsada sa Mindanao.

Sinelyuhan ang kasunduan sa naganap na eight high-level joint committee meeting sa pagitan ng dalawang bansa sa Clark, Pampanga, araw ng Martes, June 18.

Kabilang sa road projects ay ang konstruksyon, rehabilitasyon at pagpapaganda sa 176.7 kilometrong kalsada na mag-uugnay sa Bangsamoro Autonomous Region sa trade centers sa Mindanao.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang gobyerno ng Japan ay ang nagbigay ng pinakamalaking donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi at nangako pa ang mga ito na kung kailangan pa ng bansa ng pondo ay handa silang magbigay.

“The Japanese government is the largest donor or source of funds for our Marawi rehabilitation and they mentioned that if there is more needed they are willing to provide the funds,” ani Dominguez.

Napagkasunduan pa ng Japan at Pilipinas ang paglagda sa isang supplemental loan para sa umaarangkadang konstruksyon ng Davao City Bypass Road Project at tatlo pang loan para naman sa nilulutong infrastracture projects para sa Cebu at Metro Manila.

 

Read more...