Jose Rizal tampok sa Google doodle ngayong araw

Binigyang pugay ng Google ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal sa pamamagitan ng pagtampok dito sa Google doodle.

Ngayong araw kasi, June 19, ay ang ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Rizal.

Isinilang si Rizal nina Francisco Mercardo Rizal at Teodora Alonso sa Calamba, Laguna taong 1861.

Si Rizal ang nasa likod ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagmulat sa mga Filipino sa pang-aabuso ng Espanya at naging inspirasyon para pasimulan ang rebolusyon.

Ikinulong sa Fort Santiago si Rizal at pinagbabaril sa Bagumbayan, mas kilala ngayon bilang Luneta noong December 30, 1896.

 

Read more...