PBA trade: Pringle lipat-Ginebra kapalit nina Mercado, Cruz at Ferrer

Kinuha ng Barangay Ginebra ang superstar guard mula sa North Port na si Stanley Pringle para sa four-player deal.

Ayon sa PBA, ipinalit ng Gin Kings sina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz kay Pringle.

Target ng Ginebra na lalo pa silang lumakas at gumaling sa kanilang lineup sa pamamagitan ng pagpapalit sa 3 players sa isang player lamang.

Inaasahang malaking tulong si Pringle kina Scottie Thompson at LA Tenorio gayundin sina towering big men Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Samantala, naging emosyunal naman si Mercado sa pagpapaalam sa Ginebra.

Sa twitter ay nagpasalamat si Mercado sa pagiging Gin Kings at mananatili anyang bahagi ng kanyang buhay ang koponan.

Read more...