Sa command conference sa Camp Crame, iniulat ng PNP na 6,600 na drug suspects na ang nasawi sa mga operasyon simula July 1, 2016, unang araw ng administrasyong Duterte hanggang May 31, 2019.
Umabot naman sa 240,565 ang naaaresto; 1,530,574 ang kusang sumuko sa kaparehong panahon sa isinagawang 153,276 police operations.
Ayon pa sa PNP, 12,177 sa kabuuang 42,045 na baranggay ang idineklara nang drug-free.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, hindi pa pinal ang ulat at kailangan munang mai-cross-match sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang lead agency sa giyera kontra droga.
Iginiit naman ni Banac na on track ang gobyerno na mabawasan ang iligal na droga sa bansa at kailangan pang mas pagtrabahuan ito.
“We are on track to significantly reduce, if not totally eliminate illegal drugs in the country. But more work needs to be done,” ani Banac.