2 pagyanig naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng dalawang magkahiwalay na lindol ang Surigao del Norte madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, alas-12:34 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa 69 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong 11 kilometro.

Ala-1:18 naman nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa 39 kilometro Timog-Silangan ng bayan pa rin ng General Luna.

May lalim naman itong 14 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks.

 

 

Read more...