Mga korte sa Maynila sarado sa Lunes

Walang pasok ang mga empleyado at tauhan ng lahat ng korte sa lungsod ng Maynila sa darating na Lunes, June 24.

Kaugnay ito ng Proclamation No. 731 ng Malakanyang na nagdeklara bilang special non-working day sa lungsod.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-448 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.

Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng lahat ng korte sa Maynila sa susunod na araw na Martes, June 25.

Read more...