(UPDATE) Niyanig ng malakas na lindol ang northwestern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naitala ang magnitude 6.7 na lindol na ang lokasyon ay sa western coast ng Yamagata, nasa 50 kilometro o 30 miles southwest ng lungsod ng Sakata.
Ayon sa otoridad, mababaw ang episentro ng lindol na nasa 10 kilometro o 6 miles sa ilalim ng sea surface.
Ayon sa ilang mga ulat, nagkaroon ng ilang landslides at bumps sa ilang mga kalsada.
Viral din ang mga larawan ng grocery items na natanggal sa pinaglalagyan dahil sa lakas ng pagyanig.
Una nang nagbabala ang mga otoridad ng tsunami na hanggang 1 metro o 3.3 feet sa coastal areas ngunit tinanggal din 1:02am Miyerkules ng umaga.
Nabatid na off line ang lahat ng pitong reactors ng Kashiwazaki-Kariwa plant sa Niigata at walang naiulat na abnormalidad.
Wala namang naiulat na nasaktan o casualties sa lindol.
Ito na ang itinuturing na pinakamalakas na lindol na tumama sa Japan simula noong September 6 kung saan niyanig ng intensity 7 na lindol ang Atsuma, Hokkaido.