WellMed inalisan na ng accreditation ng Philhealth

Inquirer file photo

Tinanggalan na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ng akreditasyon ang WellMed Dialysis Center na sangkot sa anumalya sa ghost dialysis claims.

Paliwanag ng ahensya, ang akreditasyon ay isang pribilehiyong ibinibigay sa mga nararapat na institusyon upang makalahok sa National Health Insurance Program.

Maari anila itong bawiin kapag napatunayang hindi maayos ang kapisidad at integridad ng isang health center o clinic.

Dagday pa ng Philhealth, itinigil na nila ang pagbabayad ng mga nasabing claims sa naturang center.

Ang mga customer naman na patuloy na kumukuha ng serbisyo sa WellMed ay inabisuhang ililipat sa mga accreditaed na institusyon ayon sa ahensya.

Ito ay para masiguro na patuloy pa rin silang makakakuha ng benepisyo ng Philhealth.

Read more...