Pinoy seafarers na inatake Strait of Hormuz ligtas lahat ayon sa DFA

Inquirer file photo

Ligtas at nasa maayos na kondisyon ang tatlumpu’t dalawang Filipino seafarers na lulan ng inatakeng dalawang oil tanker sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag, iniulat sa DFA ni Philippine Ambassador to United Arab Emirates (UAE) Hjayceelyn Quintana na binisita nito ang labing-isang Pinoy seafarer ng MT Front Altair at dalawampu’t isang Pinoy seafarer ng MT Kokuka Courageous.

Sinabi ng kagawaran na masayang ipinagbigay-alam ni Quintana na lahat ng Pinoy seafarer ay nasa maayos na kondisyon.

Ayon sa DFA, nagpasalamat ang mga seafarer sa ipinaabot na pag-aalala at tulong ng gobyerno sa kanila.

Dagdag pa ng kagawaran, pinoproseso na ng kanilang manning agency ang repatriation ng mga seafarer.

Inatake ang dalawang oil tanker sa Strait of Hormuz noong June 13.

Read more...