Victory parade ng Raptors binulabog ng putok ng baril; 2 sugatan

Nabulabog ng putok ng baril ang masayang victory parade ng 2019 NBA champion na Toronto Raptors.

Nasa halos dalawang milyong mga fans ang nagsasaya sa tagumpay ng koponan kabilang si Prime Minister Justin Trudeau nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril dahilan para magpulasan ang mga tao.

Dalawa ang iniulat na nasugatan sa pangyayari bagamat sinabi ng Toronto police na hindi naman ito “life-threatening injuries.”

Natukoy ng otoridad na galing sa Nathan Phillips Square ang putok at may naaresto na rin silang dalawang katao na nakuhanan ng 2 baril.

Sa kabila ng nangyari nagpatuloy naman ang kasiyahan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. //

Read more...