Lalaki patay nang mahulog sa inangkasang motorsiklo

Patay ang 40 anyos na lalaki isang lalaking nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa sinusundang Toyota Hi-Ace dahilan para mahulog ang biktima mula sa pagkakaangkas at masagasaan sa ulo ng paparating na pampasaherong jeep sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Balsomo Jr., isang machine operator at may asawang residente ng Richland, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 6:20 ng gabi lunes nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Mindanao Ave., malapit sa kanto ng Sauyo Road, Brgy. Talipapa.

Kasalukuyan ng tinutugis ng mga awtoridad ang kasama ng biktima na driver ng Suzuki Motorcycle (NC-87407) na si Jorill Gobres, alias ‘Buddy’

Samantala, nasa kustodiya na ng QCPD District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 6 ang mga suspek na nakilalang sina MArk Jason Valdez, 22 taong gulang, ang driver ng pampasaherong jeep (THJ-841), naninirahan sa Sitio Kabuhayan, Valenzuela City, at si Danilo Tanael, 47 anyos, driver ng Toyota Hi-Ace Van (WSF-3471). (MP)

 

Read more...