Mga militante binatikos ang malabnaw na pahayag ng Pangulo sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa West Philippine sea.

Sumugod sa Luneta sa Maynila ang mga militanteng miyembro ng grupong Defend Job Philippines.

Ito ay para ihayag ang kanilang pagkadismaya sa malabnaw na posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu sa Recto bank kung saan binangga ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga pinoy.

Pumuwesto sa Kilometer zero ang mga militante dala ang kanilang mga placards at ang 22 kunwaring bandila ng China.

Mariin nilang kinondena ang pagbangga ng Chinese vessel sa F/B GemVer uno noong June 9 at ang hindi pagsaklolo ng mga ito sa mga mangingisdang Pinoy.

May temang Hashtag Justice for PH ang kilos protesta ng mga militante.

Binatikos nila ang naging pahayag ng Pangulong Duterte na simpleng banggan lamang ng mga barko ang naturang pangyayari.

Ayon sa mga militante, malinaw na mas pinapaboran ng pangulo ang China.

Naging highlight ng programa ng grupo ang pagsusunog sa 22 kunwaring bandila ng China bilang simbulo ng mariing pagkondena sa China at ang paghingi ng hustisya para sa 22 mangingisdang Pinoy na lulan ng binanggang F/B GemVer Uno.

 

Read more...