Ang oil price hike ay kasunod ng tatlong linggong pagbaba sa presyo ng langis kabilang na ang isang big-time rollback na halos P3.
Lahat ng kumpanya ng langis ay may dagdag na P0.35 sa kada litro ng gasolina at P0.20 naman sa kada litro ng diesel.
Ang Shell, Petron, Seaoil at Caltex naman ay may dagdag ding P0.25 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ay dahil sa nagaganap na tensyon sa Middle East.
Samantala sa 2020, posibleng tumaas pa lalo ang presyo dahil oobligahin ang mga barko na nagdadala ng imported petroleum products na gumamit ng langis na may kaunting sulfur.
Sasabayan pa ito ng huling bahagi ng excise tax sa langis na ipatutupad sa January 2020.