Chinese fishermen hindi maaaring mangisda sa Recto Bank ayon sa Malacañang

Hindi maaaring mangisda sa Recto Bank na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa ang mga mangingisdang Chinese ayon mismo sa Palasyo ng Malacañang.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dahil teritoryo ng bansa ang Recto Bank, ay maling naroroon ang mga Chinese.

“Basta kung teritoryo natin yun at nandun sila mali yun syempre,” ani Panelo.

Ang pahayag ni Panelo ay makaraan ang insidente ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino at inabandona pa ang mga mangingisdang Filipino sa dagat.

Iginiit naman ni Panelo na dapat munang malaman ang katotohanan kabilang na ang tanong kung bakit nasa territorial waters ng bansa ang Chinese vessel.

Hindi naman anya sigurado na nangingisda talaga ang fishing vessel sa lugar.

“We don’t know if they were really fishing in the area because there are conflicting versions,” giit ni Panelo.

Hinihintay na lamang anya ang resulta ng magkahiwalay na imbestigasyon na isinasagawa ng China at ng Pilipinas hinggil sa insidente.

“We are waiting for the final results of the investigation being conducted by the Chinese government, and that applies to us also; because also—we are also conducting our own investigations,” giit ni Panelo.

 

Read more...