M3.1 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-11:24 Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 16 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng San Miguel.

May lalim ang pagyanig na limang kilmetro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

 

 

Read more...