Locsin kaugnay ng UNCLOS: Kabiguang mailigtas ang taong nasa panganib, nakakaalarma

Ikinaalarma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang international provision kaugnay ng parusa sa kabiguan ng crew ng isang barko na tulungan ang mga tao na “in distress” sa karagatan.

Sa Philippine Statement sa 29th meeting of State Parties to the United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) araw ng Lunes, ikinuwento ni Locsin ang insidente noong June 9 nang bumangga ang barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Sa pag-alala sa 25th anniversary ng implementasyon ng UNCLOS na ginawa sa UN New York, ibinahagi ng Kalihim ang paglubog ng Philippine fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea, lugar na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“The rescue of persons in distress is a universally recognized obligation of people and governments; and in the civil law and, maybe even in common law, it is a felony to abandon people in distress, especially when we cause that distress; and more so when it is no bother at all to save them at no risk to oneself,” ani Locsin.

Sinabi pa ni Locsin na ang UNCLOS ang nagbibigay ng komprehensibong legal na alituntunin para sa mga karagatan at ito ang sinusunod ng mga bansa para hindi magkaroon ng anarkiya.

“While no sanction is available in international law, it should be a cause of concern,” dagdag ng Kalihim.

Binanggit ng opisyal ang Article 33 ng UNCLOS kaugnay ng obligasyon ng isang barko na tumulong sa isang barko at crew nito na nasa panganib.

Iginiit ni Locsin na ang mga miyembro ng UN at International Maritime Organization (IMO) ay obligado na obserbahan ang conventions sa totoong “life and death” situation.

Sa ilalim ng UNCLOS, obligasyon ng kapitan ng barko ang sumusunod:

 

Read more...