2 malakas na lindol yumanig sa China; isa patay

Screengrab of China Xinhua News video

Dalawang malakas na lindol ang yumanig sa Sichuan, China Lunes ng gabi sa Pilipinas.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), isang magnitude 5.9 na lindol ang unang tumama sa Changning county na sinundan ng magnitude 5.2 makalipas lamang ang halos kalahating oras.

Parehong may lalim na sa 10 kilometro ang dalawang pagyanig.

Isa na ang napaulat na nasawi dahil sa pagyanig.

Ayon sa Chinese state media, naramdaman ang lindol sa major cities sa southwestern China kabilang ang Chendu, provincial capital ng Sichuan at ang city of Chongqing.

Kalat ngayon sa social media ang mga larawan ng cracks sa ilang mga building, mga basag na salamin at mga taong nagtatakbuhan palabas ng mga establisyimento.

Patuloy ang isinasagawang rescue operations sa Sichuan.

Magugunitang noong May 2008, isang malakas na pagyanig din ang tumama sa Sichuan na ikinasawi ng 70,000 katao.

 

Read more...