Personal na ininspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sangley Airport Development Project sa Cavite City araw ng Lunes.
Ginawa ng Pangulo ang inspeksyon bago dumalo sa ika-21 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point.
Kasama ni Duterte sa inspeksyon sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Presidential Spokesman Salvador Panelo at iba pang opisyal ng gobyerno.
Una rito, sinabi ng Pangulo na nais niyang ilipat ang operasyon ng domestic flights at general aviation sa Sangley Airbase sa buwan ng Nobyembre para maresolba ang mga cancelled at delayed flights sa Ninoy Aquino International Airport.
READ NEXT
Piñol itinalagang tagapangasiwa sa pangangailangan ng mga mangingisdang binangga sa Recto Bank
MOST READ
LATEST STORIES