Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang napagkasunduan ng Economic Development and Security, Justice, and Peace clusters meeting na ginanap araw ng Lunes sa Malakanyang.
Ayon kay Nograles, pinagagamit kay Piñol ang lahat ng government resources para maayudahan ang mga mangingisda.
Kabilang na rito ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa.
Ayon kay Nograles, si Energy Secretary Anfonso Cusi naman ang mangangasiwa sa mga pangangailangan sa Mimaropa region kung saan nakabase ang mga mangingisda na binangga ng Chinese fishing vessel.