Nasa halos P7 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City alas-11:25 ng gabi ng Lunes.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO at Mandaluyong Police kung saan natimbog sina Raihana Pontino, Aliola Sultan at Jassir Panggaga.
Positibong nabilhan ng ang mga suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Ayon sa NCRPO, makailang beses nang nagkasa ng operasyon sa Pasig City laban sa mga suspek ngunit nakakatakas ang mga ito.
Pawang mga miyembro ng isang syndicated criminal gang ang mga suspek na konektado sa grupo ng mga Muslim na pinamumunuan ni Ahmin Buratong.
Si Buratong ay kasalukuyang nakakulong dahil sa illegal drug traficking.
Kahit nakakulong na, patuloy ang operasyon ng grupo sa Metro Manila at Rizal.
Aabot sa isang kilo ang kabuuang bigat ng shabu na nakuha sa operasyon na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Nakumpiska rin ang isang sasakyan na ginamit sa pagdeliver sa mga droga.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.