WATCH: Babala ni Isko sa mga driver na nag cutting trip

Screengrab of Inquirer.net video

Nagbabala si Manila Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga driver ng mga pampasaherong sasakyan na mawawalan ang mga ito ng prangkisa na mag-operate kapag hindi sila tumigil sa cutting trip.

Babala ito ni Domagoso dalawang linggo bago ito umupo bilang bagong alkalde ng Maynila matapos talunin si outgoing Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Domagoso, personal siyang maghahain ng kaso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga driver na nag cutting trip.

“If they want to continue working, they should not cheat on our people in Manila. For the fare they pay, they should be brought to their destinations,” pahayag ni Domagoso matapos ang pulong kay Estrada sa Manila City Hall araw ng Lunes.

Ang cutting trip ay ang gawi ng mga driver na magbaba ng mga pasahero sa lugar na malayo pa sa kanilang destinasyon para agad makabalik at makasakay ng mga bagong pasahero.

Read more...