Ayon kay Biazon, bagamat bahagi ng Exclusive Economic Zone ang Reed bank, hindi ito sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Bukod dito, magiging epektibo lang ang fishing ban sa mga Chinese kung mahigpit na maipatutupad.
Sa ngayon kasi, limitado aniya ang kakayahan ng Pilipinas at kahiya-hiya lang na humirit ng ban na kapos sa implementasyon.
Naniniwala si Biazon na ang pagtutulak ng diplomatikong aksyon sa international arena para mapuwersa ang China na mapayapang tumugon sa usapin, ang pupuwedeng magawa ng gobyerno.
Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng plano ni Joel Insigne, ang kapitan ng bangkang binangga ng Chinese vessel na hingin kay Pangulong Duterte na magpatupad ng fishing ban laban sa Chinese fishermen upang hindi na maulit ang insidente.