Soberanya ng Pilipinas, hindi negotiable – Palasyo

DA Photo

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na kailanman ay hindi negotiable ang soberanya ng Pilipinas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nananatili ang polisiya ng Malakanyang na hindi hahayaan na ma-assualt ang soberanya ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na papanagutin ng Pilipinas nang naaayon sa batas ang Chinese crew kapag mapatunayang sinadyang banggain ang bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Gayunman, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hintayin munang matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas at China kaugnay sa nasabing insidente.

Read more...