Cargo ship, nasunog sa karagatang sakop ng Pilipinas

Nasunog ang isang cargo ship na hawak ng kumpanyang K Line malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong Sabado, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Commander Armand Balilio, nakatanggap sila ng report mula sa isang foreign counterpart na nasusunog pa rin ang M/V Diamond Highway bandang 1:39, Lunes ng hapon.

Dagdag pa nito, lulan ng cargo ship ang nasa 25 katao na pabalik ng Maynila mula Singapore.

Naghahanda na rin aniya ang patrol vessel na BRP Cabra sa pag-apula ng apoy at patungo na rin ang Bulk Carrier Canupus leader sa Thailand upang sagipin ang mga crew member na naroon.

Wala pa ring inilalabas na report sa kung ano ang dahilan ng sunog sa nasabing barko.

Read more...