Ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 9,000 pulis sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na dalawang linggo ng naghahanda ang kanilang hanay para sa SONA ng pangulo.
Ang nasabing bilang ay mas marami aniya kumpara sa 7,000 pulis na ipinakalat noong nakaraang SONA.
Kabilang dito ang 6,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang ilan ay mula sa iba pang PNP units at force multipliers.
Ayon pa kay Albayalde, nagsagawa ng National Civil Disturbance Management Competition ang PNP para maisanay ang mga pulis sa civil disturbance management.
READ NEXT
BREAKING: Chinese Ambassador Zhao Jianhua, ipatatawag sa Malakanyang kaugnay sa insidente sa Recto Bank
MOST READ
LATEST STORIES