Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Associate justice Antonio Carpio na labag sa UNCLOS ang insidente sa Recto Bank.
” Premature! Premature pa nga kasi hindi pa natin alam ang facts. Ang alam natin—initially hindi ba alam natin iniwan, tapos they’re disclaiming it. O ‘di… may problema na naman tayo. Hindi natin alam eh, buti sana kung inamin nilang iniwan o… that’s a violation. Antayin muna natin, he will be right kung totoo iyong talagang iniwan iyong mga Pilipino sa barko,” ayon kay Panelo.
Paliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi pa kasi batid ng Pilipinas at China ang facts o ang katotohanan sa insidente sa Recto Bank.
Hindi pa aniya tapos ang ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas at China.
“Eh kasi nga, wala pang facts eh. We have to know the facts first. Tama si Presidente, you cannot be responding kaagad nang—you have to know the facts. As a lawyer, iyon ang training ng isang abogado. And for that matter kahit hindi ka lawyer, kailangan bago ka magsalita ng isang bagay eh tingnan mo muna ano ba ang nangyari talaga,” ayon pa kay Panelo.
Ayon kay Panelo, magkaiba ang bersyon ng kapitan ng Chinese fishing vessel at ng bangka ng mga Filipino na mangingisda.
Sa pahayag ng kapitan ng Filipino na mangingisda, binangga ang kanilang bangka ng Chinese fishing vessel habang naka-angkla sa Recto Bank at iniwan sila sa gitna ng karagatan.
Sa bersyon naman ng kapitan ng Chinese fishing vessel, tinangka nilang sagipin ang mga Filipino na mangingisda subalit natakot na kuyugin ng ibang bangka.