Naniniwala si dating Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes na hindi balido ang substitution bid ni Ronald Cardema para maging nominee ng Duterte Youth.
Sa isang panayam, sinabi ni Brillantes na maliwanag na hindi bata ang respondent na mas mababa sa 30-anyos.
Sa ilalim kaso ng party-list law, dapat may edad 24 hanggang 30 ang sinumang magrerepresenta ng youth group sa Kongreso.
Si Cardema ay 34-anyos na.
Dapat aniyang maintindihan ng Comelec na hindi maaaring payagang maupo sa pwesto ang sinumang hindi miyembro ng youth group.
Dahil dito, pumirma si Brillantes sa binuong 18-pahingang petisyon ng Millennials PH sa Comelec.
Kabilang din sina election-lawyer Romulo Macalintal at Emilio Maraño III sa hakdang para tutulan ang nominasyon ni Cardema.
Ani Brillantes, handa silang iakyat ang kaso sa Korte Suprema.
Ayon kay dating Comelec chairman Sixto Brillantes, maliwanag na hindi na bata si Ronald Cardema na mas mababa sa 30-anyos.