Filipino-Chinese businessman at 2 pa sugatan sa pamamaril sa Cebu

Patay ang isang Filipino-Chinese businessman habang sugatan ang mga anak nito sa pamamaril sa Mandaue City, Cebu Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Yi Feng Guo Yang, 51-anyos, habang sugatan ang mga anak nito na sina Ginabelle, 18-anyos, at Stefhen, 16-anyos.

Sakay ang mga biktima ng isang putong Toyota L300 van nang biglang pagbabarilin ang mga armadong lalaki ang van pasado 9:00 ng gabi.

Nakasakay ang mga hindi pa nakikilalang suspek sa dalawang magkahiwalay na motorsiklo.

Ayon kay Maj. Mercy Villaro, tagapagsalita ng Mandaue City Police Office, pauwi na sana ang mga biktima mula sa kanilang business office sa bayan ng Consolacion nang mangyari ang pananambang.

Ayon sa Mandaue City police, personal na away, negosyo at pagnanakaw ang posibleng motibo sa krimen.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng 9mm pistol, dalawang basyo at isang bala mula sa caliber .45 pistol.

Nakuha rin ang itim na helmet na pinaniniwalaang pag-aari ng isa sa mga suspek.

Read more...