Sarah Lahbati, Richard Gutierrez ipinagdiwang ang unang kaarawan ni Kai

Ipinagdiwang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang unang kaarawan ng kanilang anak na si Kai.

Kahit na March 21 ang aktwal na petsa ng kaarawan, isinabay ang birthday party sa binyag nito noong araw ng Linggo, June 16.

Idinaos ang ocean at whales-themed party para kay Kai sa Whitespace Manila sa Makati City.

Dinaluhan ito ng mga kaanak nina Richard at Sarah at maging ng malalapit na kaibigan sa showbiz.

Kabilang dito sina Dingdong Dantes at anak na si Zia, Mariel Rodriguez at anak na si Isabella, Pokwang at anak na si Malia at Isabelle Daza kasama ang anak na si Baltie.

Present din sa party sina Gerald Anderson, Bea Alonzo, Janine Gutierrez, Coleen Garcia at iba pa.

Read more...