Raptors coach Nick Nurse, pangungunahan ang Canadian team sa FIBA World Cup

Mula sa pagkapanalo ng Toronto Raptors sa katatapos na NBA Finals, kinumpirma ni Coach Nick Nurse na plano niyang pangunahan ang Canadian national team para sa FIBA World Cup.

Ayon sa head coach ng Raptors, ito ang isang bagay na inaasahan niyang gawin.

Makatutulong din aniya ito para maging mas mabuti siyang coach.

Si Nurse ay naging assistant coach ng Britain noong 2012 London Olympics.

Ilan sa mga NBA players na pasok sa Canadian team ay sina Jamal Murray, Tristan Thompson at Dwight Powell.

Nakatakdang magharap ang Canada at China sa napipintong laro sa buwan ng Setyembre.

Read more...