Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naital ang Phivolcs ang pagyanig sa 80 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.

Nangyari ang pagyanig alas 10:02 ng umaga ng Lunes, June 17.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 19 kilometers.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng pagyanig at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala.

Read more...